
Ang pagbili ng iyong unang condo o house and lot ay isang malaking hakbang patungo sa pagkakaroon ng sariling tahanan o investment. Bagamat maaaring magmukhang komplikado ang proseso, sa tamang gabay at impormasyon, magiging madali at magaan ang bawat hakbang. Narito ang ilang simpleng proseso na maaari mong sundan upang makapag-avail ng property nang walang aberya at siguraduhin ang tamang desisyon para sa iyong kinabukasan.
Paano Mag-avail ng Property
(Condo o House and Lot)
Mag-inquire sa lehitimong ahente o broker
- Siguraduhin na ang kausap ay may PRC at DHSUD accreditation
- I-verify ang kanilang lisensya para sa ligtas at legal na transaksyon
Alamin ang pangunahing detalye ng property
- Uri ng property (Condo, Townhouse, o House and Lot)
- Lokasyon at accessibility
- Total Contract Price (TCP)
- Status (Pre-selling o Ready for Occupancy)
- Equity o Downpayment amount at terms
- Financing schemes (Pag-IBIG, Bank, o In-house)
- Interest rate at fixing period
- Loan term at monthly amortization
- Sample computation ng babayaran
- Property dues (Condo dues, Parking fees, etc.)
Suriin ang lokasyon at developer
- Accessibility sa trabaho, paaralan, at essential establishments
- Track record ng developer
- History ng lugar (baha, lindol, at iba pang risk factors)
Mag-schedule ng site viewing
- Tingnan ang aktwal na unit at amenities
- Suriin ang kalidad ng construction
- Tukuyin kung akma sa lifestyle at budget
Ihanda at isumite ang mga requirements
- Valid Government-issued IDs
- Proof of Income (Payslip, COE, ITR)
- Other supporting documents depende sa financing scheme
- Maaaring isumite online para mas mabilis ang proseso
Mag-schedule at mag-bayad ng reservation
- Pumunta sa reservation office para sa submission ng original documents
- Pirmahan ang reservation agreement at iba pang papeles
- Magbayad ng reservation fee
- Dumalo sa orientation o seminar para sa terms and conditions
Maghintay ng approval
- Pag-IBIG financing: karaniwang 1–3 buwan
- Bank financing: karaniwang 3–5 linggo
- Spot cash: mabilis ang proseso (ilang araw lang)
Move-in process
- Magbayad ng move-in fee para sa water, electricity activation, at HOA/Condo Corp membership
- Sumunod sa turnover schedule ng developer
Simulan ang buwanang amortization
- Nagsisimula isang buwan pagkatapos ng move-in
- Kasama ang pagbabayad ng association dues o condo dues ayon sa schedule
- Para sa spot cash buyers, diretso na sa association dues